top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa mga bet ng organic na gamot diyan, read n‘yo ‘to! LANGKA, EPEKTIB NA PANGGAMOT SA LAGNAT!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2019
  • 2 min read

ANG pag-ibig ko sa‘yo ay parang lang­ka, langkata­pusan, langkatum­bas at langkatu­lad. Yiiieee! Cha­­rot! Kid­ding aside, knows ba ninyo na ma­ra­ming bene­pis­yong naidu­dulot ang pag­kain ng langka? Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eksperto, ang langka o jackfruit ay may mataas na Vitamin C at antioxidants na nakabu-boost ng immune system at epektib na panlaban sa mga impeksiyon.

Gayunman, ito rin uma­no ang nakare-reple­nish ng enerhiya dahil pu­numpuno ito ng carbo­hydrates na madaling i-digest ng ating tiyan.

Dagdag pa rito, naka­ga­ganda ng cardiovas­cu­lar health at nakare-regu­late ng blood pressure ang pag­kain ng langka sa kada­hi­la­nang nababalanse nito ang potassium at sodium natin sa katawan, lalo na ‘yung mga taong hin­di na healthy ang arteries at puso.

Ang potassium ay na­kamamantina ng magan­dang muscle function ka­bilang ang muscles sa puso.

Tulad ng nasabi na, nakai-improve ng diges­tion ang langka dahil mayroon itong dalawang uri ng fiber — soluble at insoluble.

Importante ito para gumanda ang ating bowel movement, lalo na sa ating mahihilig kumain. He-he-he!

Samantala, kung may kakilala kayong cancer patient, mainam kung pa­kakainin ninyo sila ng langka dahil mayaman ito sa phytonutrients at fla­vo­noids na nakatatanggal ng cancer cells.

Kung medyo lumala­bo naman ang inyong pa­ningin, mga beshy, why not na subukan ninyo ang kakayahan ng langka da­hil ayon sa mga dalubhasa, epektib umano itong ma­ka-improve ng eyesight dahil sa Vitamin A Beta-carotene na taglay nito.

Kung may lagnat, skin asthma o asthma naman kayo, keri rin itong pagali­ngin ng langka, kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Ha-ha-ha!

Maliban pa rito, naka­gaganda ng blood quality ang langka kung saan ma­iiwasan na ninyo ang pag­kakaroon ng pigsa, mga beshy!

Oh, ayan, nakatitinik lang pala ang langka, pero maganda ito para sa ating kalusugan, lalo na kung ihahalo sa turon, bilu-bilo, halo-halo at marami pang iba.

Huwag tayong maarte, kailangan magkaroon tayo ng kahalagahan sa ating kalusugan, mga beshy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page