top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pahiwatig na mayroong kaibigan na maihahalintulad sa pusa na may malasakit at totooong umuunawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Doll ng Doll_Kacha@facebook. com

Dear Professor,

Gaano katotoo na ang dumi ay pera ang ibig sabihin? Paano kung du­mi ng pusa ang napa­naginipan ko, magiging masuwerte ba ako?

Naghihintay,

Doll

Sa iyo Doll,

Oo, dumi ang simbolo ng pera dahil ang ginto ay pera at ang dumi at lantay na ginto ay magkapareho sa hitsura at porma.

Pero, hindi lahat ng du­mi ay kamukha ng ginto kaya ang dumi ng pusa ay hindi pera ang ibig sabihin.

Kung ganu’n, ano ang kahulugan ng dumi ng pusa?

Ang pusa ay naglalara­wan ng kaibigan na paiba-iba ang mood o kilos at damdamin. Kaya siya ang kaibigan na mahirap in­tindihin, kumbaga, minsan, mabait at maamo siya, pero may araw ding suplada at mahirap amuin.

Gayundin, ang kaibi­gang may inililihim ay pi­nagtatakpan ang kanyang kapintasan, kahinaan at masamang ugali.

Ayon sa panaginip mo, may kaibigan ka na nag­tataglay ng mga katangian ng pusa. Pero, hindi ito na­ngangahulugang siyam ang buhay ng iyong kaibi­gan, kumbaga, ang nasa­bing mga katangian ng pusa sa itaas ay taglay ng iyong kaibigan.

Ang maganda sa pusa, siya ay totoong kaibigan, kaya ang kaibigan mong mukhang pusa ang siyang nagmamalasakit, totoong umuunawa at nagmama­­hal sa iyo.

Kumbaga, lahat ng tao ay may kani-kanyang li­him, pero kapag totoo ang iyong kaibigan, dapat ay wala siyang inililihim sa iyo.

Dahil dito, kapag nag­karoon ka ng pagkataon o tamang “timing”, sabihin mo sa kaibigan mo na sabi­hin niya sa iyo kung ano ang kanyang mga lihim at ga­nu’n ka rin dapat, sabi­hin mo rin sa kanya ang iyong mga lihim.

Sa totoo lang, hindi ma­kagaganda sa tao ang wa­lang pinagkakatiwa­laan.

Maaaring hindi ka ma­niwala, pero ang tao kahit gaano sila nagtitiwala sa mga kakilala, kaibigan o pamilya nila, hindi talaga maiiwasan ang magkaroon ng mga lihim, lalo na kung tungkol ito sa kanilang ka­lusugan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page