top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Movie, iboboykot… NADINE, DAMAY SA GALIT NG FANS NI ANGELICA KAY CARLO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2019
1 min read

BAGAMA’T nagsalita na si Carlo Aquino sa kumalat na photo niya na may kasamang non-showbiz girl na sinasabing girlfriend niya, hindi kumbinsido ang mga fans nila ni Angelica Panganiban dahil hindi naman tahasang idinenay ng aktor ang relasyon nila ng girl.

Dahil dito, galit na galit kay Carlo ang ilang fans nila ni Angelica. Minumura nila ang aktor at sina­sabihang user at makapal ang mukha dahil todo-paasa nga raw kay Angelica, ‘yun pala ay may ibang babae namang kinakarir off-cam.

Sana raw ay nagpakatotoo na lang si Carlo na inaming GF niya ang natu­rang girl na kasama sa picture at sinabing pang-camera lang talaga ang sweetness nila ni Angelica, hindi ‘yung pinaaasa pa ang CarGel fans na nagkabalikan na sila, ‘yun pala ay pinaikot lang ang aktres at ang mga fans.

At dahil may bagong peli­kula si Carlo katambal si Nadine Lustre titled Ulan, pati ang proyekto ay nada­damay dahil binantaan din ng ilang fans na iboboykot nila ito.

‘Wag na raw umasa si Carlo na mauulit pa ang box office success ng pelikula niya with Angelica na Exes Baggage dahil hindi nila bet na si Nadine ang bagong leading lady ng aktor, bukod nga sa galit sila rito dahil sa pang­gagamit kay Angelica para muling sumikat.

Well, let’s see kapag nai-showing na ang Ulan kung tototohanin ng mga fans na hindi susuportahan ang mo­vie nina Carlo at Nadine.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page