Kelot sugatan sa pananaksak
AKLAN—Isang lalaki ang sugatan nang saksak ng dating nobyo ng kanyang live-in partner, kamakalawa sa Bgy. Balabag, Boracay Island sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Joebert Barbon, tubong Cebu, samantalang, ang suspek ay si Reman Cahilig, tubong Romblon.
Ayon sa ulat, nagselos umano si Cahilig nang malaman na ang kanyang dating nobya ay live-in partner na ni Barbon kaya nang makita ang biktima ay agad itong sinasaksak ng suspek.
Ginagamot na sa ospital si Barbon, samantalang, pinaghahanap pa ng pulisya si Cahilig.





Comments