ELITE, BINIGO ANG DYIP
- BULGAR

- Mar 2, 2019
- 1 min read

TINULDUKAN ng Blackwater Elite ang kanilang four-game skid matapos payukuin ang Columbian Dyip, 106-100 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtala si Allein Maliksi ng 29 points, anim na rebounds at limang assists para sa Elite na may 2-6 karta habang tumulong si Mac Belo ng 22 markers at siyam na rebounds. Lumaban ng sabayan ang Columbian sa unang dalawang periods, naghabol lang sila ng isang puntos, 50-51 sa halftime. Bahagyang nakalamang ang Elite sa third canto, tangan nila ang 78-75. Tumukod sa dulo ang Dyip kaya nalasap nila ang pang-limang talo sa walong laro.
Samantala, maganda ang ipinakitang laro nina Paul Lee at Mark Barroca sa panalo ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup qualifier kaya nais nilang dalhin ito sa Magnolia upang makalsuhan ang kanilang three-game lossing streak.
Nasa ilalim ng team standings ang Hotshots, wala pang panalo sa tatlong salang kaya naman nais nilang kalusin ang Meralco pagharap nila sa alas-5 ng hapon sa Cagayan de Oro City. Naniniwala naman sina Lee at Barroca na matutulungan nila ang Magnolia. “Sana magtuloy-tuloy pagbalik namin sa Magnolia,” saad ni Lee. Bukod kina Lee at Barroca, sasandalan din ng Hotshots sina Ian Sangalang, Justin Melton at veteran PJ Simon. (ATD)





Comments