Backrider tepok sa trak
ISABELA—Isang backrider ang namatay at sugatan naman ang rider nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Aliman, Cauayan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Eugene Pelagio, samantalang, ang sugatan ay si Herson Atchuela, kapwa residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Armando Gabayan kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Nakapiit na si Gabayan na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.





Comments