Vice, bagong BFF ng Diamond Star… RODERICK TABLADO, OUT SA B-DAY TRIBUTE KAY MARICEL


MARAMI sa mga kakilala at kaibigan ni Roderick Paulate ang nagtataka-nagtatanong kung bakit hindi naimbitahan ang comedian/politician sa birthday tribute sa Diamond Star na si Maricel Soriano sa programang Magandang Buhay.
Naging close rin naman sina Roderick at Marya. Ilang beses silang nagkasama sa mga TV shows at pelikula. Mas malalim nga kung tutuusin ang pinagsamahan nina Roderick at Maricel kumpara kay Vice Ganda na special guest sa ginawang birthday tribute para sa Diamond Star.
Hindi naman masasabing Kapuso star si Paulate dahil may mga guestings siya sa mga shows ng Dos na ang huli nga ay sa Ang Probinsyano.
Anyare? Nagkaroon ba ng falling out of friendship kina Marya at Roderick?





Comments