Nu'ng Feb. 14 lang daw nalaman ng TV host.. KRIS, MATAGAL NANG PINAGLALARUAN NINA BONG GO AT IP

Nitz Miralles / BIDA

TINOTOO ni Kris Aquino ang sinabi sa IG Live na first and last na niyang magsasalita sa isyu nina senatoriable Bong Go at Phillip Salvador dahil pagkatapos nito, hindi na siya nag-comment. Sa kanyang latest post, nakasulat lang ang “Time to heal...” at sa halip na caption, heart emojis lang ang nakalagay.
Naiparating na rin naman ni Kris ang gusto niyang sabihin, lalo na kay Phillip. Nabanggit ni Kris na kahit nasaktan siya sa ginawa ni Bong Go dahil isinamang sakit ang buhay niya sa campaign sortie nito, humanga pa rin siya dahil tumawag ito sa kanya para mag-sorry, bagay na hindi raw ginawa ni Ipe.
Naiyak ang mga viewers nang mabanggit ni Kris si Joshua at ang pagtatanong nito sa kanya ng “Niloko ka ni Dada?”
May sinabi pa si Kris na kung naloko siya ni Phillip, ibig sabihin, produkto ng panloloko nito si Joshua.
Ang masakit kay Kris, matagal na palang ginagawa nina Bong Go at Phillip ang skit na ‘yun at noong February 14 lang niya napanood. Pero sabi ng isang kaibigang narinig nang live ang skit, hindi ganu’n kasama kung live napapakinggan ang sinabing joke. Iba raw kasi kung sa TV lang napapanood.
Sa nasabing IG Live, nabanggit ni Kris na willing pa naman siyang umakyat ng stage to endorse Bong Go. Ito ay kahit magkaiba ang ini-endorse nila ng kapatid niyang si former President Noynoy Aquino. Pagkatapos ng nangyari, iendorso pa kaya ni Kris si Bong Go?





Comments