top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Kaya dapat na talagang managot ang mga may sala sa likod ng nakamamatay na bakuna... MGA NAMATAY NAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2019
  • 3 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

SINA G. Edwin at Gng. Jalean Acla ay kabilang na ngayon sa mga nanana­wagan na mag-resign sa tungkulin sa gobyerno ang mga nasasakdal sa “Dengvaxia cases” sa Department of Justice at Regional Trial Courts ng Que­zon City. Sila ay naniniwala na na­ra­rapat lamang na isakdal ang nasabing mga opisyal dahil sa pagbili sa halagang mahigit 3 bilyong piso at pagpapaturok sa halos isang milyong Pilipino habang “clinical trial phase 3” pa ang Dengva­xia. Walang screening at blood test, kaya ito ay indiscriminate — na hindi inalam kung na-dengue na o hindi pa ang mga bi­nabakunahan.

Ang mag-asawang Acla ay mga magu­lang ng pumanaw na si Nathaniel Acla, la­binda­lawang (12) taong gulang, dating es­tudyante ng Vergonville Elementary School, Vergon Ville, Pulang Lupa Dos, Las Pinas City. Si Nathaniel ay hindi pa nagkasakit ng dengue. Kaya tugma ang pagkamatay ni Nathaniel sa press advisory ng Sanofi na gu­mawa ng Dengvaxia noong Nobyembre 29, 2017— na hindi puwede sa hindi pa na-dengue ang nasabing bakuna dahil maaaring magkasakit nang malubha ang vaccinee.

Si Nathaniel ay naturukan ng bakuna kontra dengue ng isang (1) beses noong ika-30 ng Oktubre 2017. Ayon sa kanyang mga magulang, si Nathaniel ay masayahin, ma­sigla, aktibo at malusog na bata. Siya ay mahilig magbisikleta at maglaro ng basket­ball. Noong pitong (7) taong gulang umano ang bata ay nagkaroon ito ng primary com­plex, ngunit, pagkatapos ng gamutan ay na­natiling malusog si Nathaniel. Kailanman diu­mano ay hindi pa nagkaroon ng malubhang karamdaman ang kanilang anak na nanga­ngailangang madala siya sa ospital. Kama­kailan kung saan siya ay ma­lubhang nag­kasakit na humantong din siya sa kan­yang biglaang pagpanaw.

Ang pagkakasakit ni Nathaniel ay nag­simula noong ikalawang linggo ng Pebrero 2018. ‘Yun din ang simula ng mga pagba­bago sa kanyang kalusugan. Ayon sa kan­yang mga magulang, tanging Dengvaxia lang ang naiturok sa kanya bago siya makaram­dam nito. Dahil dito, anila, nais nilang may managot sa naging kapabayaan ng mga ta­ong nagbakuna sa kanilang anak na si Nathaniel. Pebrero nang siya ay nagkasakit at noon din siya binawian ng buhay (Pebrero 23, 2019, alas otso ng umaga). Ayon sa kanyang Certificate of Death, ang naging sanhi ng kanyang agarang pagpanaw ay “respiratory failure” (im­mediate cause); “pneumonia severe” (ante­cedent cause); “multi drug resistant tuber­culosis” (under­lying cause).

Anila G. at Gng. Acla: “Naging pala­isipan sa amin ang sanhi ng karamdaman ng aming anak na si Nathaniel at ang mga naramdaman niyang sintomas ay tulad din ng mga sintomas na naramdaman ng ibang mga batang nabakunahan ng Deng­va­xia na pumanaw na, kaya napagdesis­yu­nan na­ming humingi ng tulong-legal kay Atty. Per­sida V. Rueda-Acosta para mai­sailalim sa forensic examination ang labi ng aming anak na si Nathaniel. Ito ay para malaman namin ang naging sanhi ng kan­yang aga­rang kamatayan.”

Si Nathaniel ang pang-isandaan at la­bingsiyam (119) na pinaniniwalaang bik­tima ng Dengvaxia na sumaila­lim sa foren­sic examination ng PAO Forensic Team na hiniling nina G. at Gng. Acla. Si­nasabing ang pangalang Nathaniel ay may Hebrew origin na ang ibig sabihin ay “gift of God.” Ang batang ito na biyaya ng Pangi­noon na panay ang paramdam ngayon ay kasama na rin sa aming mga ipinaglalaban.

Natuklasan sa katawan ni Nathaniel na “brain and lungs bleeding with muti-or­gan enlargement”. Pati sa clinical history ay na­­batid na may common pattern of signs and symptoms – sakit ng ulo, tiyan, kata­wan at iba pa. Tugma ito sa Sanofi, Dengvaxia manufacturer’s admission in its declaration for authorization sa FDA na may identified fatal side-effects and risks (viscerotropism and neurotropism) noong ika-22 ng Dis­yembre, 2015, bago bilhin noong nakaraang administrasyon ang Dengvaxia.

Panay ang alulong ng mga aso sa aming kapaligiran habang ako ay naghahanda para sa muling paglilingkod sa mga magulang at anak na humahanap ng katarungan. Alulong na waring tinig ng mga biktima na pinatay ng kamandag ng virus na puma­sok sa mura nilang katawan na nagdulot ng torture at matinding paghihirap bago malagutan ng hibla ang kanilang buhay. Kailan kaya aamin ang mga taong may kasalanan sa likod ng mala­gim na trahedya sa buhay ng mga biktima at pamilya nila?

Ngayong araw ay nasa Visayas naman ang PAO Forensic Team para magsagawang muli ng autopsy para sa labi ng pang-isandaan at dalawampung (120) namatay nang da­hil sa Dengvaxia.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page