top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Driver tinodas ng laborer

Pabs Hernandez III
Mar 1, 2019
1 min read

MASBATE—Isang driver ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang laborer, kamakalawa sa Bgy. Paguihaman, Uson sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Sajid Tepait, samantalang, ang suspek ay si Ariel Anave, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Tepait at Anave na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.

Namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen si Tepait, samantalang, agad namang nadakip ng mga awtoridad si Anave.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page