Dahil walang parental consent | TIKTOK PINAGMUMULTA NG P298-M
PINAGMUMULTA ng $5.7 million ng awtoridad ng U.S. ang video sharing app na TikTok dahil sa ilegal na pangongolekta nito ng personal na impormasyon ng mga gumagamit ng app, partikular sa mga bata.
Ayon sa Federal Trade Commission (FTC), ipinataw ang naturang penalty sa TikTok dahil sa naging paglabag ng app nitong Musical.ly, gayundin, TikTok ang operator ng Musical.ly na sikat sa mga kabataan.
Gayunman, sa desisyon ng FTC, nabigo ang TikTok na kunin ang parental consent ng mga user na menor-de-edad na nakasaad sa Children’s Online Private Protection Act.
Ayon sa FTC, alam ng TikTok na maraming bata ang gumagamit ng naturang app ngunit, bigo itong humingi ng parental consent bago kolektahin ang pangalan, email address at iba pang impormasyon ng kanilang users na nasa edad 13 pababa.
Samantala, maituturing na pinakamalaking penalty na naipataw sa kasaysayan ng bansa na may kaugnayan sa children’s privacy.
Base sa impormasyon, mayroong 500 million users ang TikTok sa buong mundo.





Comments