Co-singer, inaway ng mga fans niya, Asia's Songbird, napahiya… REGINE, TODO-SORRY KAY MORISSETTE
- BULGAR

- Mar 1, 2019
- 2 min read

"SOBRANG grateful ako kay Ms. Redj kasi dinefend niya ako ru’n sa isyu na ‘yun. Actually, nag-message pa siya after kong mabasa ‘yung mga tweets niya. As in nag-sorry siya sa akin. Sabi ko, ‘Ms. Redj, bakit po kayo ang nagso-sorry? It’s beyond our control,’” panimulang pahayag ni Morissette Amon tungkol sa pagdepensa sa kanya ni Regine Velasquez pagkatapos magreklamo ang ilang fans ng Asia’s Songbird sa Pangarap Ko ang Ibigin Ka duet nila sa A.S.A.P. Natin ‘To.
Dagdag ni Morissette, “I’m happy kasi kahit na ang layo na ng narating niya, ang dami niyang na-achieve, she has remained humble and patuloy na nagsu-support sa mga artists.
“I think she took a stand on cyber bullying na ‘yun nga ang sabi niya, ‘Ipinapahiya ninyo ako sa mga friends ko.’ I’m sure ‘di naman lahat ng fans niya, ganu’n. May mga ganu’ng fans lang talaga na masyadong possessive.”
Matatandaang ‘di napigilang makipagsagutan ng Asia’s Songbird sa ilang fans niya na nagreklamo na hindi deserving si Morissette na kantahin ang rendition ng naturang kanta. Nag-post nga si Regine na ipinapahiya siya ng mga fans niya sa ginagawa ng mga ito.
Labis din ang pasasalamat ni Morissette sa pagmamahal at pagiging malapit sa kanya ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid na nagpapasalamat pa nga sa young singer dahil nabigyan ng ibang rendition ang kanta, napapakinggan itong muli ng ibang tao lalo na ng mga millennial at muling sumikat ang naturang awitin.
Nakapanayam din namin si Ogie Alcasid bago ito lumipad patungong Portugal para sa 39th Fantasporto Festival Internacional de Cinema du Porto kung saan isa sa mga kalahok ang pinagbibidahan niyang pelikula, ang Kuya Wes.
Ayon kay Ogie ay para talaga kay Regine ang kantang Pangarap Ko ang Ibigin Ka. Isinulat daw niya ito para sa asawa pero ipinagpapasalamat niya na kinanta ito ng isang bago at mahusay na singer na tulad ni Morissette.
Kuwento pa sa amin ni Ogie ay naayos na rin ang ‘di pagkakaunawaan ng asawa at ng ilang fans na nakasagutan nito sa social media at nagpapasalamat siya sa pagmamahal at patuloy na pagsuporta sa kanila ng mga tagahanga.





Comments