Campaign posters na iligal na nga, basura pa!


UMARANGKADA na kahapon ang “Operation Baklas”.
Layunin nitong pagtatanggalin ang mga iligal na campaign poster.
Joint forces ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Commission on Elections (Comelec) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inikot ang Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Valenzuela at Quezon City.
Batay sa Comelec Resolution 10488, ang campaign posters ay dapat two feet by three feet lamang ang sukat at dapat nakalagay lamang sa itinakdang common poster areas o private properties na may pahintulot ng may-ari.
Pinahahalagahan natin ang pagkilos at pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno laban sa mga iligal na gawain kaugnay ng kampanya, ang nakapang-iinit ng ulo ay hindi nila ito trabaho kundi ng mga pasaway na kandidato at supporter!
Basura n’yo, itapon n’yo! Palibhasa, may nakuha kayong palusot na kesyo kalaban n’yo ang naglalagay ng mga ‘yan sa maling lugar para kayo ang maputukan.
Utang na loob, bulok na ang ganyang sistema, tigilan na! Mahiya naman kayo!





Comments