14-anyos dedbol sa ilog
Pabs Hernandez III
Mar 1, 2019
1 min read
KALINGA—Isang 14-anyos na dalagita ang namatay, kamakalawa nang malunod sa ilog na sakop ng Bgy. Taga, Pinukpuk sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Roselyn Laowag, estudyante at residente ng nasabing bayan.
Nabatid na habang tumatawid umano sa ilog si Laowag ay biglang rumagasa ang agos kaya nalunod ang biktima.
Sinikap pa ng mga residente na saklolohan si Laowag, pero bangkay na nang mataguan ang biktima.





Comments