SUPER CRUNCH, 15TH STRAIGHT NA KNIGHTS, MATINDI RIN SA MPBL


PUMALAOT ang Makati Super Crunch sa mas malinis na record win-streak habang ang San Juan Knights ay nagpatuloy sa matikas din nitong laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup noong Lunes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Katatapos lang mula sa malamyang simula, kinalos ng Super Crunch ang Quezon City Capitals, 102-78, para sa ika- 15th straight victory at tapusin ang elimination round na overall second best 21-4 record.
Sa iba pang laro, tinalo rin ng Knights ang Valenzuela Classic, 102-83 sa likod ng 22-point na laro ni Wilson at ang 10-point contribution ni Carlos Isit para itarak ang 20-5 marka sa North division kung saan naka-bracket ang Super Crunch.
Sa tikas nina John Rey Villanueva at Jeckster Apinan, nabura ng Super Crunch ang 10-18 deficit at lumarga sa pamumuno sa bisa ng 30 points, 97-67. Nag-ambag si Villanueva ng 30 puntos habang si Apinan ay may 19 nang ilista ng Super Crunch ang 14-game win run kontra Basilan Risers, ang overall pacesetter na may 21-2 na may dalawa na lang natitirang laro.
Ang Q.C. Capitals na lagpak na sa 11-12 panalo marka ay naka-15 puntos mula kay Jay Collado at 14 kay Kim Medina. Nakapag-basket din sina Joseph Sedurifa at Cedric Ablaza ng tig-13 puntos para sa Super Crunch.(MC)





Comments