SUPER 6 CARRY OVER

MAGANDANG laban ang matutunghayan ng bayang karerista sa pagtikada ng mga kalahok sa “Additional One Win in Group Races” sa Malvar,Batangas ngayong gabi.
Bukod sa carry over sa Super Six matutunghayan din ang pitong karera na kapapalooban ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Sa race 1 matutunghayan ang Group Race na paglalabanan ng Beautiful Lady, Raxa Bago, Balicasag, Stalag Seventeen, Liliput, Magic Square at Play It Safe, Princess Tin, Shoe The Whip, Blue Orchid at White Chocolate.
Ipinapatok ang Beautiful Lady at pangdehado ang White Chocolate. Paglalaban ng tatlong mananakbong Cleave Ridge, Headmastership, at Divine Zazu sa Race 2 kasabay ng Pick 6.
Ipinapatok ang Wakanda sa Race 3 habang maglalaban sa forecast ang Entry No.6 at Entry No.1 kasabay ng Pick 5.
Walang kasing patok ang Mighty Bon sa Race 4 na simula rin ng Pick 4 habang binibigyan ng panalo ang couple entry No1. Sa Race 5, nakalalamang ang Valkyrie laban sa AllbyMy Self, Entry No.4, at Yoshiko.
Balikatan ang labanan sa pagitan ng Manila Boy at couple entry na Hidden Moment at True Religion sa Race No.3.
Habang maglalabanan naman ang Within Reach, Laughing Tiger, Jersy Saving at Entry No.4 sa Race 7.
Tip Ni Mang Ding Race 1- Beautiful Lady (10) Race 2-Cleave Ridge (1) Divine ZAZU (4) Headmastership (3)
Race 3-Wakanda (4) Race 4-Mighty Bon (6) Entry No.1 Race 5-Valkyrie (3) Entry No.4 Yoshiko (2) Race 6-Entry No.3 Manila Boy (5) Race 7 -Jersy Saving (3) Within Reach (11).





Comments