Minahan gumuho, 60 natabunan
GUMUHO ang isang minahan ng ginto sa Sulawesi, Indonesia.
Ayon sa disaster agency ng Indonesia, pinangangambahan nilang aabot sa 60 katao ang natabunan sa pagguho ng minahan sa bahagi ng Bolaang Mongondow sa North Sulawesi.
Gayunman, alas-5:00 ng madaling-araw (local time), isa ang nakumpirmang nasawi habang 14 ang sugatan.
Patuloy pa rin ang paghahanap sa iba pang mga natabunan.
Ayon kay disaster agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho, nagmimina ang mga trabahador nang biglang mawasak ang beams at supporting boards ng naturang minahan.





Comments