top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya 'di feel magpakasal kay James… NADINE, AMINADONG 'DI PA KUNTENTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2019
  • 1 min read

Hindi pa nag-i-expect si Nadine Lustre ng proposal mula sa boyfriend na si James Reid dahil aniya, wala pa tala­ga sa isip nila ngayon ang kasal.

“Honestly, hindi ko pa po talaga iniisip ‘yun, but hopefully, one day,” sey ni Nadine sa presscon ng Ulan.

“Kasi ako po ngayon, goal digger po talaga ako. Gus­­to kong ma-achieve lahat ng mga goals ko in life. Med­yo marami pa po siya.

“So, parang ‘pag iniisip ko ‘yung marriage, though ang dami ko na nga pong friends na ikinakasal na, parang ako, marami pa akong gustong gawin.

“Kasi ang dami rin pong nagsasabi sa akin na mga friends ko rin, nu’ng ikinasal sila, parang gusto na nilang mag-settle down, family, ganyan.”

Pareho lang daw sila ng nararamdaman ng boyfriend na si James Reid dahil marami pa ring gustong gawin ang aktor tulad nga raw ngayon na nagtayo pa ito ng music label kung saan ay under nga rin siya rito.

“So, medyo matagal-tagal pa po ‘yun (ang kasal),” ani Nadine.

Pagdating naman sa kanilang relasyon, ang pagiging honest daw talaga sa isa’t isa ang isang factor sa success ng any relationship.

“Kasi before, meron po akong mga nararamdaman na itinatago. Kunwari, parang nagtatampo ako, hindi ko sinasabi sa kanya, and I think, ‘yun din po kasi ‘yung karamihan ng mga in a relationship nga­yon, ‘yun ‘yung nagiging hindi pagkakauna­waan nila. Kasi, hindi sila nagsasalita.

“Na ito na pala ‘yung nararamdaman ng isa, tapos, hindi alam ng isa, tapos bigla na lang magagalit.

“Communication po talaga. Saka trust,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page