top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Jeepney drivers at operators, umaaray na sa non-stop oil price hike

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2019
1 min read

PASAHE ibalik sa P10! Ito ang hirit ng transport group kasabay ng panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Panawagan ng Alliance of Concerned Transport Orga­nizations sa Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB), ibalik sa sampung piso ang minimum na pasahe sa jeepney.

Kaugnay nito, nagtungo ang grupo sa tanggapan ng LTFRB upang ihain ang nasabing petisyon.

Anila, ang kasalukuyang P9 minimum na pasahe ay kapos kung itatapat sa non-stop oil price hike.

Matatandaang, nitong Martes nang magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bigtime price increase sa diesel, gasolina at kerosene. Idagdag pa ang P2.00 excise tax ngayong taon.

Kaya para sa mga mamang driver, malaking bagay na rin ang dagdag-pisong singil sa pasahe.

Kahit paano ay makatutulong na rin sa tumataas na presyo ng gas at tumitinding trapik.

Samantala, umapela naman ang organisasyon sa mga pasahero na unawain ang kanilang petisyong taas-pasahe.

Bagay na nauunawaan naman ng ibang mananakay. Sila ‘yung mga ramdam din ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo at tulad nila, may pamilya ring binubuhay ang mga tsuper.

Sa panahon ngayon, hindi na rin imposible na magkaunawaan ang bawat isa, mula man sa magkakaibang grupo na may kani-kanyang pangangailangan.

Marahil, dahil pinag-iisa tayo ng kagustuhan na guminhawa ang ating buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page