'Di lang serye ang ni-remake… COCO, GAYANG-GAYA NA TALAGA SI FPJ


MALAKING tulong ang ibinigay ni Coco Martin sa yumaong indie actor na si Kristoffer King na naging kaibigan niya at nakatrabaho sa ilang projects.
Sinagot ni Coco ang bayad sa ospital, ganu’n din ang mga expenses sa burol at nagbigay din ng tulong sa mga naiwang anak ng yumaong aktor. Kaya naman, abut-abot ang pasasalamat ng pamilya ni Kristoffer King.
Dati nang tumutulong si Coco sa mga artistang nagkakasakit at naoospital. ‘Yung ibang dating artista/stuntmen na walang projects, isinasama niya sa Ang Probinsyano. Lahat ng mga nakikiusap na bigyan ng exposure sa Ang Probinsyano ay kinukuha ni Coco.
It seems ang yumaong King of Philippine Movies na si FPJ ang ginawang idolo ni Coco Martin, kaya tumutulong siya sa mga artista at stuntmen sa pelikula. Isine-share ni Coco ang mga blessings na dumarating sa kanyang buhay kaya hero ang tingin sa kanya ng lahat!





Comments