top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aktor, panay ang tulong sa mahihirap… PANGARAP NI PIOLO NA MAG-MAYOR, IBINULGAR NI YUL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2019
2 min read

NAGBITAW ng statement si Piolo Pascual na wala si­yang susuportahang puli­tiko, pe­ro dahil magkaibigang matalik sila ni Manila 3rd District Cong. Yul Servo, ayon sa reelectionist public servant, naniniwala naman siyang hindi siya mapa­pahin­dian ni Papa P. kapag humingi siya ng tulong dito.

Pero si Cong. Yul na rin ang nagsabing may kusa si Papa P. at hindi na kailangang hingan ng tulong lalo na kung para sa charity projects ng kongresista sa kanyang distrito sa Maynila.

Nitong huli ngang birthday ni Papa P. last January 12, sa Binondo naman pala na sakop ng distrito ni Yul namigay ng 1,500 goods si Piolo.

Tanong nga namin kay Cong. Yul, bakit hindi niya i-encourage si Piolo na maging pulitiko na lang din, tutal ay marami itong tinutulungan?

Revelation ang sagot ng aktor-pulitiko na dati raw, nu’ng pareho pa lang silang nanga­ngarap ni Piolo at pareho pa silang wa­lang pangalan sa showbiz, gustong tu­mak­bong mayor ng kanyang kaibi­gang aktor.

Pero nang sumikat na nga si Papa P., kinalimutan na raw nito ang pangarap na maging pulitiko lalo’t higit pa ang pagtulong na nagagawa niya sa mara­ming nangangailangan dahil bukod sa kinikita niya sa showbiz, hindi naman kaila sa lahat na marami na ring negosyo at investments si Piolo.

At dahil si Yul nga ang natuloy sa pulitika, todo-suporta naman daw ang ibinibigay sa kanya ni Piolo lalo na nga sa mga charity projects niya para sa kanyang mga nasasakupan.

Tiyak namang hindi manghihinayang si Piolo sa tiwala at suportang ibinibigay niya kay Cong. Yul dahil in fairness sa mas gumugu­wapong aktor habang tu­matanda, sa ilang ter­mino niya bi­lang konsehal hang­gang na­ging kongresista at nga­yon nga ay muling tuma­takbo sa parehong posisyon, never siyang nag­karoon ng issue sa korupsiyon o anu­mang iskandalo kumpara sa kinasasangkutan ng ilang pulitiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page