Dahil sa bumagsak na puno | 200 PASAHERO, STRANDED NG 36 ORAS
- Jersey Sanchez
- Feb 28, 2019
- 1 min read
NA-STRANDED ang 200 pasahero sa loob ng tren sa Oregon City, America.
Mahigit 36 oras umanong na-stranded ang mga biktima sa naturang tren.
Ayon sa tagapagsalita ng Amtrak na si Olivia Irvin, tinamaan ng tren ang puno dahilan para madiskaril ito.
Kinailangan umanong hatakin ang tren upang maialis sa riles.
Batay sa impormasyon, patungo sa Los Angeles ang tren ngunit, huminto ito pagsapit sa Eugene, Oregon dahil bumagsak ang puno sa daraanan ng tren.
Gayunman, suspendido ang operasyon ng Amtrak sa pagitan ng Portland at Eugene Stations hanggang bukas, Marso 1.





Comments