Alamin mula kay Maestro... KAALAMAN TUNGKOL SA TAMANG PAGDEDESISYON NG MGA KUNEHO
- BULGAR

- Feb 28, 2019
- 2 min read

SA negosyo, career at aspetong pangkabuhayan, kung ang Kuneho ay hindi tutulug-tulog ngayong Taon ng mga Baboy, walang duda, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang tatambad sa kanyang harapan na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay.
Kumbaga, kailangang maging alerto ang Kuneho sa anumang magagandang oportunidad na kakatok sa pintuan ng kanyang kapalaran sa pamamagitan ng desisyon at mabilis na pag-aksiyon.
Kaya ngayong taon, dapat iwasan ng Kuneho ang pagdalawang-isip, sa halip, kapag may dumating na magandang pagkakataon lalo na sa aspetong may kaugnayan sa materyal na bagay, dapat niya itong sunggaban kaagad upang kumita siya ng malaking halaga at bultu-bultong salapi.
Kung ikaw ay Rabbit at ang iyong career o negosyo ay may kaugnayan sa arts, music, entertainment, layout artist at design, tiyak na uunlad at tuluy-tuloy na aangat ang graph ng kinikita ng iyong negosyo.
Kung ikaw naman ay Rabbit na direktang may kaugnayan sa sining ang iyong career, ngayong 2019, tiyak na ikaw ay tatanggap ng pagkilala at hahangaan ng lipunang iyong ginagalawan ang iyong mga likhang-sining at kakaiba mong galing.
Pero, upang magtuluytuloy ang iyong suwerte, kabilin-bilinan ng langit, huwag mong ikukuwento kaagad o ipagyayabang ang iyong suwerte o mga biyayang iyong matatanggap hangga’t hindi mo ito nararanasan, lalo na kung ito ay usaping pera.
Tandaang, kung halimbawang kumita ka ng bultubulto, ang tulad mong Rabbit, ngayong Taon ng mga Baboy, hindi ka dapat magpa bigla-bigla sa paggastos at magpakagalante nang todotodo dahil kapag ganyan ka, ‘yung akala mong napakalaking kita o suwerte ay bigla na lang mawawala.
Sa ganyang paraan, ginamit mo ang mahiwagang salitang “moderation” at minahal mo ang mga biyayang iyong natatanggap, makikita mo ngayong 2019, hindi ka lang susuwertehin sa materyal na bagay, bagkus, may bonus pa dahil sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ay habambuhay ka na ring maging maligaya.
(Itutuloy)




Comments