After pangakuan, iniwan daw sa ere… IBINULGAR NG EX-GF: KIM JUNG HOON, GUSTONG IPA-ABORT ANG BABY N

Kinasuhan ng kanyang ex-girlfriend ang aktor na si Kim Jung Hoon dahil umano sa hindi pagbabayad ng halagang ipinangako nitong babayaran.
Nagsampa ng kaso ang ex-GF last Feb. 21 pero kahapon lang naglabasan sa mga news outlets. Pero hindi ang hindi pagbabayad ni Kim Jung Hoon ang mas malaking issue rito kundi ang rebelasyon ng dating kasintahan kung para saan ang perang ipinangako nito.
Ayon sa akusasyon ng ex-GF na naunang inilabas ng Naver, kinumbinsi raw siya ni Kim Jung Hoon na ipa-abort ang baby nila matapos malamang buntis siya dahil ayaw daw ng aktor na masira ang image nito bilang celebrity.
Nang sinabi raw niyang titira na siya sa kanyang parents dahil mag-e-expire na ang kontrata niya sa nirerentahang bahay, pinangakuan daw siya ng aktor na magbibigay ito sa kanya ng pambayad para sa bagong uupahang bahay.
Nakahanap naman daw sila ng bagong bahay at pinangakuan siyang bibigyan ng pang-security deposit na nagkakahalaga ng 10 million won (approximately $8,900) pati na ang monthly rental.
Pero pagkatapos daw siyang bigyan ng 1 million won (approximately $900) ay hindi na siya kinontak ni Kim Jung Hoon.
Sa kanyang isinumiteng dokumento, hinihiling ng ex-girlfriend na bayaran siya ng remaining 9 million won (approximately $800) para sa security deposit ng bahay, pati na ang monthly rental.
Nagbigay na ng pahayag ang isang source mula sa agency ng aktor sa news outlet na OSEN at aniya, “We found out about the accusation against Kim Jung Hoon through the press. We have not checked with Kim Jung Hoon himself yet. We are in the process of doing so.”
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang aktor tungkol sa balitang ito.
Si Kim Jung Hoon ay um-appear na sa iba’t ibang K-drama at natatandaan namin na napanood namin siya sa Princess Hours years ago.
Huli siyang napanood sa variety show na Taste of Dating ng TV Chosun at isa sa mga celebrity participants. He was matched with non-celebrity Kim Jin Ah.





Comments