3,000 cases ng alak nasabat
TATLONG libong kahon o 90,000 bote ng alak ang natagpuan ng mga awtoridad sa pier ng Rotterdan.
Ayon sa tagapagsalita ng Dutch Customs Agency na si Roul Velleman, ang nasamsam na mga alak ay sakay ng barkong pag-aari ng Cosco Shipping mula sa China.
Gayunman, kabilang umano sa “risk profile” ang nasabing container at nang inspeksiyunin, nakumpirmang vodka ang laman ng container.
Dagdag pa ni Velleman, sa China ang destinasyon ng naturang barko at 90% umanong posible na dadalhin ang mga ito sa North Korea.
Matatandaang, pinatawan ng parusang ban sa pag-i-import ng ilang luxury goods ang North Korea dahil sa patuloy nitong ballistic missile testing at paglabag sa UN resolution.





Comments