top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

UNTITLED PLAYERS, BUMIDA FIDE OPEN RAPID SA BULACAN

Eddie M. Paez Jr.
Feb 27, 2019
1 min read

NABIGO ang titled woodpushers kabilang na ang isang grandmaster, apat na international masters at tatlong FIDE Masters na makapasok sa podium at sa halip ay mga untitled entries ang namayani sa “Agila ng Bulacan” FIDE Open Ra­pid Chess Tournament sa Ma­lolos, Bulacan.

Kinuha ni 9th seed Em­manuel Emperado, may ra­ting na 2233, ang korona ng siyam na yugtong palig­sahan matapos makapag­poste ng walong panalo, isang talo at superior tie­break points.

Sa kabilang dako, pang-14 lang sa pre-tournament ranking si Alfredo Rafanot pero sapat na ang kanyang walong nabiktima, katulad nina IM Barlo Nadera at IM Ronald Dableo para ma­hablot ang runner-up ho­nors.

Ang tanging pagkatalo niya ay nasaksihan nang makaharap nito si Empe­rado, anak ni dating national wo­men’s team mainstay Mila, sa huling round.

Ang huling untitled ches­ser na nakapasok sa podium ay si Sherwin Tiu na kumamada ng 7.5 puntos mula sa pitong panalo at isang draw.

Prominente sa mga na­hugutan niya ng buong pun­tos ay si topseed GM Dar­win Laylo habang ang tabla ay nakuha sa tinedyer na si IM Daniel Quizon.

Nakuntento sa pang-apat na posisyon si Laylo habang si Quizon, isang 14-anyos na juniors stand out ang nakasunggab sa pangli­mang baytang ng torneong umakit ng may 150 disipulo ng ahedres.

Ang16-anyos na si Christian Mark Daluz ay pumang-anim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page