top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagpasok ng Colombian Drug Cartel, panibagong hamon sa gobyerno at taumbayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 1 min read

KUMPIRMADONG nakapasok na sa bansa ang Colombian Drug Cartel

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, kasunod ito ng pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa sinuring sample ng iligal na droga sa Matnog, Sorsogon noong 2018, lumalabas na gawa ito sa Colombia. Ginagamit umano ng mga dayuhang drug syndicate ang Pilipinas bilang transshipment point sa kanilang cocaine.

Iginiit din ng ahensiya na ang mga nadidiskubreng bloke-blokeng cocaine sa karagatan ay maaaring diversionary tactics lamang sa mas malaking halaga ng droga na idinaraan sa bansa.

Matatandaang, una nang sinabi ni Pangulong Duterte na seryosong problema ang pagpasok ng Medellin Drug Syndicate ng Colombia sa bansa.

Kaya malaking hamon ito sa mga awtoridad at babala naman sa taumbayan. Talamak na ang droga, araw-araw may nahuhuling drug suppliers, pushers at users.

Bilang suporta sa giyerang ito, simulan natin sa sarili at pamilya ang laban. Umiwas sa iligal na droga at iba pang gawain at bantayan ang ating mga anak.

Alamin ang kanilang mga pinagkakaabalahan at kilalanin kung sino ang kanilang madalas na kasama. Sa pamamagitan nito, may pag­ka­kataon tayong mailayo sila sa droga at sa masamang epekto nito na banta sa kanilang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page