Matapos manghipo at manghalik | TRUMP, KINASUHAN
SINAMPAHAN ng kaso si U.S. President Donald Trump ng kanyang dating campaign staff dahil sa sapilitang paghawak sa maselang bahagi ng katawan nito at paghalik.
Naganap umano ang insidente noong Agosto 2016 sa Florida, ayon kay Alva Johnson.
Gayundin, nakasaad sa kaso na maraming nakakita sa insidente tulad nina Florida Attorney General Pam Bondi, dating Florida State Director Karen Giorno at Regional Directos Earl “Tony” Ledbetter, Mitch Tyner at Nick Corvino.
Kabilang din sa kasong isinampa ni Johnson ang hindi tamang pagpapasuweldo ni Trump, samantala, pinabulaanan ng kampo ng presidente ang akusasyon at handa umano silang harapin ang kaso sa korte.





Comments