CERTAIN TO WIN, PATOK SA RACE 2

MAHIGPIT na maglalaban-laban ang mga kalahok sa pagtikada ng “Additional One Win in Group Race “ sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong gabi.
Sa panimula ng Winner-Take-All (WTA) sa Race 1 at pinapaboran ang couple entry na Daldalero at May Swerte Ako at Just Gorgeous. Sa karera nabanggit na may panalo ang Entry No.4 (Stricky Charlize at Chloe Girl) at Black Magic Woman sa Condition Race (22).
Sa Race 2 magsisimula ang pick 6 at pinapatok ang Certain To Win at forecast ang Ava Dream. Magandang pandehado ang El Mundo sa Race 3 laban sa Entry No.5 (High Grader-Spectrum) ay Fire Council na umpisa ng Pick 5.
Sa Race 4, kung saan mag-uumpisa ang pick 4 event, mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Money In My Pocket, Fire Dancer, Entry No.3 (Dalagang Bukid at Undercover), Golden Velvet.
Magsisilbing paratingan sa Race 5, ang limang kalahok na Iikot Lang, Right Answer, Iron Hook, Barumbado at Princess Arianna. May nasisilip kay Seni Seviyurom na magandang dehado habang ang Go Marty Go ay pinapaboran ng mga llamadista sa Race 6.
Magsisilbing parating para sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 ang Batang Arrastre; Entry No.2 (Humuhumunukununu at Magic Wallet) at Blowby sa Race 7.
Tip ni Mang Ding Race 1-Entry No.2 Entry No.4 Just Gorgeous (8)
Race 2-Certain To Win (5) Race 3- El Mundo (2) Fire Council (4)
Rochelle (3) Race 4- Money In My Pocket (7) Fire Dancer (8) Entry No.3
Race 5-Iikot Lang (5) Iron Hook (6) Princess Arianna (1)
Race 6-Seni Seviyurom (6) Go Marty Go (5) Love Affair (7) Race 7-Batang Arrastre (3) Entry No.2 Blowby(1).





Comments