top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MGA PEKENG MANGHUHULA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Vangie ng Vangie_Blackbeuaty@facebook.com

Dear Señor,

May nanghula sa akin na ang sabi niya ay may pu­wersang sumisira sa kapalaran ko. Masasamang espiritu raw ito na nakikialam sa buhay ko.

Tapos, hinihingan niya ako ng 3 libong piso para raw maalis ang mga ‘yun sa kapalaran ko. Alam ko, kapag ganu’n, scam ‘yun kaya hindi ko pinatulan.

Sana, maturuan ninyo ako ng mga pampasuwerte para gumanda ang buhay ko at ‘yung tungkol sa ma­sasamang elemento na ‘yun, ano ang dapat kong gawin?

More power and God bless sa inyo!

Naghihintay,

Vangie

Sa iyo Vangie,

Scam nga, iha, ang mga nanghihingi ng pera at nagsa­sabing aalisin nila ang masasamang puwersa sa iyong pagkatao. Sa totoo lang, marami na silang naloko dahil ma­rami rin ang naniniwala sa kanila, kumbaga, may nanloloko dahil may nagpapaloko. Sabi nga, kapag walang magpapaloko walang manloloko.

Base sa nasusulat sa Bibliya, in-offer-an ng pera ni Simon ang mga apostol para bigyan siya ng kapangyarihan, pero, pagalit na sinabi ng mga apostol na hindi nila ipinagbibili ang mga banal na karunungan at kaalaman.

Dagdag pa nila habang sila ay galit na galit, “sa iyo na lang ang pera mo, ikaw at ang pera mo ay magkasamang ma­papahamak”. Pero, bakit? Ito ay dahil hindi ipinagbibili ang mga banal na kaalaman.

May nakalagay din sa Bibliya na, “ang nakuha ninyo nang walang bayad ay huwag ninyong ipagbili.” Kaya, wala talagang bayad ang mga banal na karunungan na regalo ng Diyos sa mga piling nilalang.

Alam mo, iha, nakasulat sa Matandang Tipan nang napa­kalinaw ang ganitong salita, “bumili ka ng karunungan, pero huwag mong ipagbibili”.

Kaya,tama ka dahil scammer ang na-encounter mo, manghuhula man ito o manggagamot, kapag nanghingi ng pera dapat ay listo ang mga tao dahil ‘ika nga, sa huling mga araw maglalabasan ang mga mandaraya na magpapahamak sa marami.

Sila ang mga nagkukun­waring nagtataglay ng mga banal na karunungan na nagta­tago sa mapuputing kasuotan, pero ang talagang hangarin ay pag­kakitaan ang mga banal na karunungan.

Mabuti na lang ay hindi mo sila pinatulan dahil ang sabi ng mga apostol, kapag mabilis kang sumakay sa pambobola ng ibang tao ay maaari kang ma­pahamak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page