Nag-walkout daw sa taping ng serye... SIGAW NI ANGEL: 'DI KO KAILANGANG MAGPALIWANAG!
- BULGAR

- Feb 26, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGING usap-usapan kamakailan na diumano ay nag-walkout ang aktres na si Angel Locsin sa taping ng kanyang seryeng The General’s Daughter noong February 15, na may kasunod na iba’t ibang bersiyon ng dahilan na lumabas.
Pero base sa Instagram post ni Angel noong Linggo (February 24), ipinahayag niya na hindi niya kailangang i-explain ang kanyang sarili sa mga taong hindi nakakaunawa sa kanya.
Aniya, “A long time ago I learned not to explain things to people who are committed to misunderstanding me.”
Sinang-ayunan naman si Angel ng ilang celebrities, kabilang na ang kanyang BF na si Neil Arce na nag-comment ng fist emoji at kiss emoji.
Isa sa mga celebrities na sumang-ayon kay Angel ay ang aktres-TV host na si Dimples Romana.
Ani Dimples, “That’s my Mars @therealangellocsin, na sinagot naman ni Angel ng hug emoji.
Nagpahayag din ng suporta ang aktor na si Marvin Agustin at sinabing, “Beautiful! And thank you for the beautiful reminder! [hand up emoji]”




Comments