KELOT PATAY SA TANGKANG HI-JACK NG EROPLANO
NAPATAY ng Bangladesh special forces ang isang lalaki na nagtangkang mang-hijack ng eroplano.
Agad rumesponde ang pulisya nang magbanta ang lalaki na may dalang baril sa loob ng Biman Bangladesh Airlines Flight BG147.
Gayunman, habang nasa emergency landing sa Chittagog, mabilis na lumabas ang 148 pasahero at crew members.
Ayon kay Maj. Gen. Matiur Rahman, ang suspek ay isang 25-anyos na Bangladeshi.
Sinubukan umano nilang pasukin ang suspek ngunit, nagmatigas ito at nanlaban.
Patungong Dubai ang naturang eroplano matapos mag-take-off sa Dhaka.





Comments