CIGNAL-ATENEO, PINATUMBA ANG MART-ENDERUN SA D-LEAGUE

NAKALIGTAS ang Cignal-Ateneo sa hamon ngFamily Mart-Enderun at pinataob ang huli, 82-68 kahapon sa 2019 PBA D-League sa Paco Arena sa Manila.
Giniyahan ni Tyler Tio ang naging panalo ng Blue Eagles sa itinala nyang 20 puntos, 5 assists at 2 rebounds kabalikat ang kanilang Ivorian center na si Angelo Kouame na tumapos ding may 20 puntos, 8 rebounds, 5 blocks, at 2 assists.
“It’s a tough game, good game,” wika ni Ateneo coach Tab Baldwin.“Enderun got the jump in the beginning.
But our defense kicked in after first quarter. Offensively, we don’t ask a lot right now, but Tyler did a good job, Ange pulled some boards, and Will Navarro did a good job for our guys.
I’m happy that we got the win.” Sa pag-init ng mga kamay ni Tio sa fourth quarter nagsimulang kumalas ang Cignal-Ateneo hanggang makalamang ng 19-puntos sa Family Mart-Enderun 79-60.
Nanguna naman para sa Enderun si Valandre Chauca na may 27 puntos, 5 rebounds at 3 assists.
Ang panalo ang ikalawangsunod para sa Cignal-Ateneo na naglukloksa kanila sa solong pamumuno sa kanilang grupo habang iyon pa lamang ang debut game ng Titans.
Mga Laro ngayon (Paco Arena, Manila) 2 p.m. - SMDC-NU vs Marinerong Pilipino 4 p.m. - UST vs AMA Online Education





Comments