4 BABAENG NPA SUMURENDER
BUKIDNON—Apat na babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army (PA), kamakalawa sa bayan ng Manolo Fortich sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang apat na babaeng rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon sa mga sumukong NPA, nais na umano nilang makapiling ang kanilang mga pamilya kaya sumuko sila sa mga awtoridad.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.





Comments