top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sey ng experts... PAGKAKAROON NG OILY SKIN, EPEKTIB NA PANLABAN SA SIKAT NG ARAW!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 2 min read

NABUBUWISIT ka na ba kapupul­bos dahil sa oily skin mo? Oks lang ‘yan, besh, dahil ayon sa pag-aaral, ang pag­kakaroon ng oily skin ay maraming magandang epekto sa tao lalo na sa mga ayaw tuman­da at umitim. Ehem!

Ayon sa mga eks­per­to, ang pagkaka­roon ng oily skin ay kering maka-de­fense laban sa skin damage na nakuku­ha sa UV rays. Ito ay dahil ang pagkakaroon ng oily skin ay tulad ng SPF na nakikita natin sa mga lotion at moisturizer.

Kung saan sa pagkaka­roon ng oily skin mas ma­kaiiwas kayo sa pangingi­tim at sunburn.

Bagama’t, nakaiirita ito lalo na sa mga beshy natin diyan na feeling dugyot kapag oily ang mukha, pu­wede rin naman kayong maglagay na lang ng sun­screen, basta ‘yung may mas mababang SPF nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang pagkakaroon ng pore clogging.

Gayunman, sa mga worried na tumanda ri­yan, may sagot na sa problema ninyo dahil ayon sa pag-aaral, nakababata umano ang pagkakaroon ng oily skin dahil kaya nitong ma­labanan ang pagkakaroon ninyo ng kulubot na ba­lat, gayundin ng wrinkles at iba pa.

Samantala, kailangan pa rin nating mag-ingat dahil may tsansa na mag­karoon ng taghiyawat kung may oily skin kayo, kaya make sure na gaga­mit pa rin kayo ng clean­ser at toner na mayroong sa­licylic acid dahil may sang­kap ito na nakae-ex­foliate at nakapagpapaliit ng pores.

Dagdag pa rito, ang oily skin ay nakapagpapa-hydrate ng balat dahil ayon sa artikulong isinulat ni Alan M. W. Porter na nai-published sa Journal of the Royal Society of Me­dicine, ang pagkaka­roon ng balat na natural na nagpo-produce ng oil ay malaki ang maitutu­long para mapanatili ang hy­dration lalo na tuwing pi­nagpapawisan tayo.

Maliban pa rito, hindi rin umano nakabubuti sa mukha kung sa tuwing oily tayo, eh, palagi tayong naglalagay ng pul­bos o make-up dahil maa­ari lang itong maglagay ng dumi sa pagtagal ng pa­nahon. Kaya ang payo ng mga eksperto, sa tu­wing mag-eeher­sisyo, mainam kung gaga­mit ng mga pro­dukto na mayroong sebum dahil nakada­ragdag ito ng ganda sa ating balat.

Kaya sa mga be­shy natin diyan na mas­yadong worried sa pagka­karoon ng oily skin lalo na sa kanilang t-zone area, don’t worry na, ha?

Lahat ng bagay na ating nararanasan ay may ma­buting naidudulot din sa ating kalusugan at ka­ta­wan, kaya huwag tayong masyadong ma-bothered. Okie?

Have a flawless and healthy skin, mga beshy!

Copy? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page