top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa mga nag-uumpisa ng bumili ng susuotin sa bakasyon... 7 SWIM WEAR NA KERING IRAMPA SA SUMMER

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 25, 2019
  • 1 min read

No Problem

1. BIKINI. Ito ‘yung swim wear na para sa mga mala-bote ng softdrinks ang katawan, pero kung feeling sexy ka naman, puwede mo rin itong irampa sa karagatan. Oh, ‘di ba, bongga?

2. STRAPLESS. Oh, para lang ito sa mga matatapang, kaya kung medyo conservative ka, besh, huwag mo na itong subukan dahil baka mapalaban ka lang. Char!

3. HALTER. Dahil sa makabagong hene­rasyon, marami ng style ang nauuso ngayon at isa na rito ang halter style kung saan ang lakas nitong maka-chix, mga besh! He-he-he!

4. HIGH-WAISTED. Para sa mga ayaw na ma-expose ang tiyan diyan, ganitong swim wear ang nababagay sa inyo kung saan tago na ang taba, tago pa ang stretchmarks. Ganern!

5. ACTIVE WEAR. Kung dehins naman kayo girly, puwede kayong magsuot ng active wear kung saan nababagay ito para sa mga aktibidad na maaari nin­yong gawin sa beach. Wow!

6. RUSH GUARD. Sa mga ta­ong may kutis-porselana riyan, bakit dehins kayo mag-rush guard, para na­man ka­hit papa­ano ay maiwasan ninyo ang pag-itim ng inyong balat? Iwas sunburn na rin kapag ganito ang isinuot ninyo.

7. BOARD SHORTS. Sa kala­lakihan naman, bukod sa swimming trunks, eh, keri rin ang pagsusuot ng board shorts para dehins kayo ma-conscious. He-he-he!

Sa dinami-rami ng mga swim wear na nauuso ngayon, importante pa rin na ang isuot ninyo, eh, ‘yung damit kung saan kayo komportable para hindi diyahe o tiis-ganda.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page