top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lolo natagpuang patay

Pabs Hernandez III
Feb 25, 2019
1 min read

ILOCOS NORTE—Isang 68-anyos na lolo ang natagpuang patay, kamakalawa sa harap ng bodega sa Bgy. Suyo, Dingras sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Hilario Lao, residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na isa sa mga kamag-anak ni Lao ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakaupo sa harap ng bodega sa naturang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page