top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Barko nasunog, 2 pinoy patay

Jersey Sanchez
Feb 25, 2019
1 min read

KINUMPIRMA ng recruitment agency na kasama ang dalawang Pinoy seafarers sa mga nasawi sa nasunog na barko sa Falkland Island.

Ayon kay Errol Robite, recruiter ng mga biktimang sina Virgilio “Jhon” Regencia, Jr., 21, at Justine Anipan, 20, kapwa residente ng Bgy. Gibon, Nabas, Aklan na kabilang ang dalawa sa mga nasawi sa nasunog na Taiwanese fishing vessel.

Gayunman, nakausap ng pamilya ng mga biktima ang mga survivor na nakauwi na sa bansa at isinalaysay ang nangyari.

Siniguro naman ng kumpanya na may matatanggap na benepisyo ang pamilya ng mga biktima.

Matatandaang, Pebrero 11 nang masunog ang naturang barko kung saan may sakay itong 70 crew members kabilang ang limang Pinoy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page