Magsasaka timbog sa boga at granada
NEGROS ORIENTAL—Isang magsasaka ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at granada, kamakalawa sa Bgy. Bagtik, Mabinay sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Nemrod Balansag, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Balansag at dito nakumpiska ang baril, mga bala at granada.
Nakapiit na si Balansag na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm, ammunitions and explosive at paglabag sa election gun ban.





Comments