Dream Valentine's 2019!

Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Sabi nga, ang pinakamasarap na feeling sa mundo ang magmahal at lalo ang maramdaman ang pagmamahal pabalik sa’yo. Kaya naman noong Valentine’s Day, pinatunayan ng dalawang couples ang pagmamahal na walang kapantay!
Kamakailan lamang, na-experienced ng dalawang couples ang best Valentine’s date ever kasama si Bulgarito. Sina Jonas at Regina Bañez ng Meycauayan, Bulacan na tulad ng ibang pamilya, praktikal lalo na sa panahon ngayon ngunit, hindi natitinag sa kanilang mga pangarap, lalo na sa kanilang dalawang chikiting at sina Mark Anthony Gonzales at Jessica Torres ng Sta. Maria, Bulacan na hindi itinatangging si misis ang nanligaw! Iba na talaga ngayon ang mga babae, palavarn na! Kaya naman, hindi maitatangging sila ang nagkamit at nanalo sa pa-Valentine’s date ni Bulgarito!
Siyempre, hindi mawawala ang teddy bear, chocolates at bouquet of flowers para sa kanilang ka-date! Kitang-kita sa dalawang couples na busog na busog sila sa pagmamahal at mas lalo pa namin silang binusog dahil sa lunch buffet sa The Alley Cloverleaf.
Masayang kumain at nagkuwentuhan ang mga couple at kitang-kita sa kanilang mga ngiti na nag-enjoy sila sa once in a lifetime experience! Sana ay marami pang ganitong couple na isa sa mga nagpapatunay na may forever, congratulations!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments