top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahil sa serye, nakapagladlad… HIRIT NG MADLANG PIPOL: HERO, MATAGAL NANG OBYUS NA BADING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

MAGMULA nang mag-artista si Hero Angeles, ngayon lang nag-trademark nang husto ang pa­ngalan niya sa showbiz.

Marami-rami na rin siyang nagawang TV serye magmula nang maging Big Winner siya sa Star Circle Quest ng ABS-CBN.

Nang hindi na umaarang­kada si Hero sa Kapamilya Network dahil nabuwag ang love team nila ni Sandara Park ay lumipat siya sa GMA-7. Nagka­roon din siya ng show du’n pero ilang taon lang din ang kanyang ipinamalagi sa Kapuso Network.

Bumalik siya sa dating home studio kung saan nabigyan siya ng magandang role sa Halik nina Yen Santos, Yam Con­cepcion, Sam Milby at Jericho Rosales. Bilang si Ken, gay best friend siya ni Jackie (Yen) sa serye.

Nu’ng una, marami ang nag-aakala na totoong bading si Hero in real life. Sa isang interbyu, sinabi ni Hero na masaya siya dahil naa-appreciate ng mga televiewers ang acting niya. Challenge raw para sa kanya ang umarteng bading. Pero, dahil na rin daw sa tulong ng director ng Halik ay naging madali ito sa kanya.

“Nakakatawa. Una kasi, sob­rang na­ngangapa ako, hindi ko alam ‘yung gagawin. Pero sa guidance ng mga directors namin, ayun, nagawa ko naman. Sob­rang happy ako na na-appreciate nila si Ken,” lahad ni Hero.

Ang ibang netizens ay hindi nanini­walang nahihi­rapan si Hero na umarteng bading. May nagsasabing likas na raw sa katauhan ni Hero ang pagiging ‘pam­hinta.’

Hindi lang daw siya nag­pa­pahalata nu’ng teen-ager pa siya. Pero ngayong nag­karoon ng pag­kakataon na mabigyan ng gay role ay nai­papakita na niya ang tunay na pagkatao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page