Chairman nilikida ng rider
Pabs Hernandez III
Feb 24, 2019
1 min read
GENERAL SANTOS CITY—Isang barangay chairman ang napatay nang barilin ng rider, kamakalawa sa Bulaong Avenue sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Chairman Arman Mejia, resident ng Bgy. Dadiangas North, sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo si Mejia nang barilin ito ng suspek na nakasakay din sa motorsiklo.
Agad dinala ng mga saksi si Mejia sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments