P6 M daw ang hininging TF, siniraan pa sila ng anak niya… SIGAW NG DATING PRODU NG SHOW: KRIS, BANGU
- BULGAR

- Feb 23, 2019
- 2 min read

Kasunod ng pagkaka-dismissed ng qualified theft case na isinampa ni Kris Aquino laban sa dati niyang business manager na si Nicko Falcis dahil sa lack of probable cause, nakapanayam ng media ang dating producer ng special travel show ni Kris na inere sa GMA-7, ang Trip ni Kris.
“Nightmare” ang deskripsiyon ni Mrs. Rhodora Morales sa naging working relationship niya sa kontrobersiyal na tv host kung saan nagreklamo noon si Kris na super delayed ang bayad niya mula sa producer at pakiramdam niya ay super-nagamit siya ng anak nito na si Renan Morales na noon ay konsehal sa isang bayan sa Nueva Ecija.
Ayon kay Mrs. Rhodora Morales na mas kilala bilang Doray, walang katotohanan ang naging pahayag noon ni Kris na super delayed ang talent fee nito dahil bukod sa advanced ang bayad niya rito ay anim na milyon ang hininging tf sa kanya ng tv host na tatlong beses na mas malaki sa talent fee diumano ni Kris na dalawang milyong piso.
Pahayag din ng lady producer, P20 million ang naubos niya kasama na ang bayad sa time slot ng show sa GMA dahil blocktimer nga ito.
Sa tanong kung ‘di ba niya naisipang idemanda noon ang tv host, ipinaliwanag ng lady produ na pinabayaan na lang niya at sana ay hiningi na lang ni Kris ‘yung P20 million at ibibigay na lang daw niya kesa nga naman may mga lumabas pang isyu na laban sa kanila.
Pagkukuwento rin ng businesswoman-producer, dapat ay every other day ang show pero nawalan na siya ng gana dahil sa mga paninira sa kanilang mag-ina ng tv host.
Idinepensa rin ni Mrs. Doray ang anak na si Renan sa sinabi ni Kris na super-nagamit siya nito at hinabol siya diumano ng professional race car driver. Kuwento ng lady producer, hindi totoong naghabol ang anak niya kay Kris at pakiramdam nga niya, ang tv host ang may gusto sa anak niya dahil bukod sa guwapo ito ay mayaman. Kung hindi raw kasi naka-Lamborghini ay naka-jet o helicopter ang anak niya.
Nagbitaw din ng salita ang businesswoman/producer na hindi siya natatakot kay Kris. Sabi pa nito, “Come and get me,” kung saan sa dalawang taon na pananahimik ay ngayon lang nagsalita si Mrs. Doray sa isyu.
Tiyak na ‘di palalampasin ni Kris ang interview na ito ng businesswoman/lady producer at isa sa mga araw na ito ay may sagot na siya sa mga naging pahayag ni Mrs. Doray.





Comments