top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Negosyante tepok sa 2 armado

Pabs Hernandez III
Feb 23, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kabacan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Joel Magnaje, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na habang nasa loob ng kanyang bahay si Magnaje ay biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page