top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lalaking nanaga sa ulo at mga patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2019
2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Zhow ng Zhow _Wei@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang kahulugan ng panaginip ng ate ko? May payat daw na lalaki na galit sa akin, tapos, wala raw itong kibo at bigla na lang akong tinaga sa ulo.

Ako naman, nanaginip ako na may tatlong matan­dang lalaking patay na kakilala namin. Sana, ma­sagot ninyo ang mga ito.

Thank you!

Naghihintay,

Zhow

Sa iyo Zhow,

Ang ate mo, iha, ay pi­nag­haharian ng lihim na ka­lung­kutan. May dahilan kung bakit tinatalo ng lungkot ang tao. Marahil, bigo siya sa love life, ibig sabihin, posibleng naghi­walay sila ng kanyang BF.

Pero, puwede rin na kaya siya bigo sa love life ay dahil wala siyang boyfriend.

Alam mo, iha, ang lihim na kalungkutan ay madalas ding sanhi ng taong ayaw umusad ang buhay, kumbaga, kapag ang tao ay hindi uma­asenso kahit ano ang kan­yang gawin, siya ay pagha­harian ng lihim na kalung­kutan. Kaya ang kanyang mga panaginip ay sobrang nega­tibo tulad ng napanagi­nipan ng ate mo na payat na lalaki na tumaga sa ulo mo.

Kaya ang payo ng kapa­laran sa kanya, dapat ay mag­saya, mamasyal o maki­pagkuwentuhan siya. Mas mabuti rin kung sa mga tsis­mosa siya makikipagtsika­han. Nakakatawa, ‘di ba? Pero, ayon sa mga dalubhasa, ang pakikipagtsismisan ay posibleng maging gamot sa depresyon.

Ikaw naman, dahil nana­ginip ka ng tatlong patay na lalaki na kakilala ninyo, kaka­iba ang interpretasyon ng pa­na­­ginip mong ito, pero naka­tutuwa at baka nga ma­bigla ka pa dahil ito ay nagsa­sa­bing, puwede kang manalo sa mga pakikipagsapalaran kapag nakararanas ka ng pangit na pangyayari sa iyong buhay.

Kakaiba, ‘di ba? Dahil ang madalas na payo para manalo ay ang tayaan ang ma­sasayang araw tulad ng date of birth, petsa kung kailan nagka-boyfriend at iba pa dahil ang mga petsang nabanggit ay ang masusu­werteng petsa ng mga tao.

Pero muli, dahil nana­ginip ka ng tatlong lalaking patay na kakilala ninyo, subukan mo ang nasabing mensahe ng panaginip mo para sa iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page