2019 PCSO SPECIAL MAIDEN RACE (3 YEAR OLD OPEN)

MAGHAHARAP ang 12 mananakbo sa 2019 Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Special Maiden Race (3 Year Old Open) sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas ngayong araw.
Ang mananalo sa karera ay pagkakalooban ng P800,000, habang tatanggap ng P250,000 ang 2nd place at P150,000. Makatatanggap ng trophy ang mananalong horse owner, trainer, hinete at pagkakalooban ng P75,000 ang breeder ng mananalong kabayo.
Pinapaboran ang Ready Set Go, habang magsisilbing kalabang mahigpit ang Westeros at magbibigay ng magandang laban ang Lady Bell, Dancing Partners at Don Mariano. Sa Race 1, magaganap ang umpisa ng 1 Pick 5 at pinapaboran ng kalahok na Laughing Tiger kontra sa Couple Entry na Puso Sa Paraiso at Alim’s Joy.
Magsisimula ang 1st Winner Take All (WTA) sa Race 2 at nakalalamang ang Trust Worthy at makakalaban ang Maka Karen at Six One Six at ang Pick 6 event sa Race 3, pinapaboran ang Mighty Bon at Entry No.5 at may tsamba ang Red Lion.
Kasunod na ang Special Maiden Race na umpisa ng 2nd WTA sa Race 4, habang magaganap ang labanan ng Gomper Girl at Hamlet sa Race 5 na simula ng 2nd Pick 6 event. Ipinapatok ang Jade Master laban sa St. Suswa habang magbabanta ang Entry No. 3 na umpisa ng 2nd Pick 5 event. Balikatan ang labanan sa pagitan ng Blue Label at Batang Heroes, magsisilbing kalaban ang Kusing, I Object at Irene Smile. Apat na kalahok ang maglalaban-laban sa Race 8, ito ay ang Manila Boy, Jade’s Treasure, Airborne Magic at Entry No.2 (Indiana Sky/ True Religion. Nakalalamang ang Entry No.2 (Ungkaw/ More Stripes, at binibigyan ng laban ang Balicasag at Boy Paradise sa Race 9, habang sa Race 10 ay binibigyan ng malaking panalo ang Can You Giub at Boom Tarat Tarat, samantala ang kalahok na Tito Gene ay may panalo.
Tip ni Mang Ding Race- 1 Entry No.1 Laughing Tiger 3 Race 2- Trust Worthy (2) Maka Karen (4) Race 3 -Mighty Bon (8) Entry No.5 Race 4 -Ready Set Go (5) Westeros (4) Race 5 –Hamlet (7) Gomper Girl (6)
Race 6- Jade Master (2) Entry No.3 Race 7- Blue Label (6) Batang Heroes (2) Race 8- Airborne Magic (6) Entry No.2 Race 9- Entry No.2 Balicasag (4) Race 10 Tito Gene (4) Can You Giub (6) Boom Tarat Tarat (3)





Comments