Turkey niyanig ng magnitude 5.1
Jersey Sanchez
Feb 22, 2019
1 min read
TUMAMA sa western coast ng Turkey ang Magnitude 5.1 na lindol, kahapon ng madaling-araw (Philippine time).
Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS), ang pagyanig ay naitala malapit sa bayan ng Canakkale.
Naganap ang pagyanig 20 kilometro sa timog ng Canakkale.
Gayunman, wala pang napaulat na nasaktan at napinsala sa insidente ngunit, ilang aftershocks ang naramdaman ng mga residente.





Comments