top of page

Nakatatanggal ng taghiyawat, nakapuputi ng mga ngipin, gamot sa sakit ng ulo atbp… IBA’T IBANG PAKIN

  • Thea Janica Teh
  • Feb 22, 2019
  • 2 min read

Bulgarific Lifestyle

ALAM ba ninyo na ang saging ay kasama sa family ng mga berry? Yeah, you read it right! Bukod pa rito, nakapagpapaganda rin ito ng ating mood dahil sa taglay nitong amino acid, tryptophan at Vitamin B6 na nakatutulong para makapag-produce ng serotonin.

Pero, knows n’yo rin ba na ang saging ay hindi lang basta pagkain dahil marami pa itong gamit na tiyak na ikagugulat ninyo:

1. ACNE NO MORE. Para sa mga bes nating hindi na tinantanan at masyado ng minahal ng kanilang mga taghiyawat sa mukha, ito na ang solusyon! Dahil ang balat ng saging ay may Vitamins C at E, potassium, zinc, iron at manganese. Nakatutulong ito para ma-relax ang balat. I-rub lamang ang balat ng saging sa mukha at ibabad ito ng 5-10 minuto. Hugasan ang mukha at ulitin ito, twice a day.

2. SHIMMERING SILVER. Mukha na bang luma at walang ningning ang inyong mga alahas? ‘Yung tipong hindi na madaan sa pagkuskos ng brush? Don’t worry mga bes, balat ng saging lang ang katapat niyan! I-blender lamang ang balat ng saging at haluan ito ng kalahating baso ng tubig. I-rub lamang ito sa silver at ibabad ng ilang minuto.

3. PAMPAPUTI NG NGIPIN. Para sa mga bes nating hate na hate ang pagsesepilyo! Hindi lang nutrients ang nakukuha natin sa saging kundi pati na rin ang pagpapaputi ng mga ngipin dahil sa potassium na mayroon ito. Pagkatapos magsepilyo ay kuskusin ang balat ng saging nang 2 minuto sa mga ngipin at saka magmumog. Ugaliin ito araw-araw para sa mas maputing mga ngipin.

4. TANGGAL PEKLAT. Sobrang nakai-insecure ang mga kutis-porselana at napakakikinis ng balat, lalo na kung wala itong mga peklat. Pero don’t worry mga bes dahil maa-achieve na natin ito nang hindi naglalabas ng malaking halaga! Ibabad lamang ng 1 hour o overnight ang balat ng saging sa parte ng katawan na may peklat. Gawin ito araw-araw, para mas effective!

5. GAMOT SA HEADACHE AT MIGRAINE. Para sa mga bes nating hindi mahilig uminom ng gamot, ito na ang solusyon na matagal na ninyong hinihintay. Hindi lang ginagamit na pansabay sa paglunok ng tablet at capsule ang saging kundi pantanggal din ito ng sakit ng ulo. Ilagay lamang ang balat ng saging sa freezer ng overnight at ilagay ito sa noo, batok at iba pa. Hayaan lamang ito hanggang sa mawala na ang lamig.

Kaya mga bes, huwag kaagad itapon ang balat ng saging dahil marami pa itong pakinabang na tiyak na makatutulong sa atin, araw-araw!

Gets?

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page