Lalo na ngayong patuloy pa ring nadaragdagan ang kanilang bilang... HUSTISYA PARA SA ISANDAAN AT LAB


PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

SOBRANG sama ng loob ng mga magulang na namatayan ng mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia. Lalong nadagdagan ang sakit na kanilang nararamdaman dahil sa pagpaparatang ng isang opisyal ng Department of Health na kasalanan ng pangunahin nilang sandigan sa kanilang laban, ang inyong lingkod at Public Attorney’s Office (PAO) sa nagaganap sa bansa na diumano’y “measles outbreak” at “vaccines care.”
“Dapat sana ay tiningnan muna niya ang kanyang sariling pagkukulang at ang 2017 Annual Report ng Commission on Audit (COA) na natanggap niya noong Hulyo 27, 2018 na nagsasabi na may under distribution ang subok na mga bakuna noon pang 2014-2017 na umabot sa halos negative ninety-one percent (-91%), ang pagkukulang ng DOH sa measles vaccine”, ang sambit ng isang ama na lumuluha sa pagkamatay ng kanyang anak na binakunahan ng Dengvaxia.
Tumindi pa ang sama ng loob ng mga magulang ng nasabing mga biktima nang lumabas noong Pebrero 15, 2019, ang mga artikulong nagpapahayag na nasa “global level” ang pagtaas ng mga kaso ng “measles cases,” kaya dahil dito, hindi dapat isentro sa Pilipinas ang pangyayaring ito at ipukol ang dahilan sa inyong lingkod at sa PAO. Sa isa sa mga artikulong nabanggit, nakasaad dito ang mga sumusunod:
The World Health Organization warned … that efforts to halt the spread of measles were “backsliding,” with case numbers worldwide surging around 50 percent last year. The UN health agency pointed to preliminary data showing that the disturbing trend of resurgent measles cases was happening at a global level, including in wealthy nations where vaccination coverage has historically been high.
“Our data are showing that there is a substantial increase in measles cases. We’re seeing this in all regions”, Katherine O’ Brien, WHO’s director of immunization, vaccines and biologicals, told reporters in Geneva.
“We’re having outbreaks that are protracted, that are sizable and that are growing,” she said. Xxx xxx xxx “This is not an isolated problem” (binigyang-diin). Mula sa https://www.philstar.com/world/2019/02/15/1893921/who-warns-backsliding-measles-fight-cases-soar).
Hindi na kinilabutan ang nasasakdal sa paninisi niya sa ibang tao na walang kinalaman sa pagkukulang ng departamentong kanyang pinangangasiwaan, ang DOH. Hanggang kailan magtitiis ang puwersa ng PAO sa mga maling paratang ng nasabing opisyal, pagkatapos na may makasuhan ang Mababang Kapulungan sa 3.5 milyong isyu ng Dengvaxia na noon ay experimental pa lang?
Ang sama ng loob ng mga magulang ay naibsan nang pumutok ang balita noong Pebrero 20, 2019 na bawal nang mag-angkat, magbenta at mamahagi ang Food and Drugs Administration (FDA) ng certificate of product registration (CPR) ng Dengvaxia (binigyang-diin). “Utos ng FDA-Dengvaxia, bawal!” - Bulgar, Pebrero 20, 2019, p. 2). Ito ay matapos na tuluyang bawiin ng FDA ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa bansa.
Mariing sinabi ni FDA Director General Nela Charade Puno, tungkol sa Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia na “its brazen defiance of FDA’s directives and its continued failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of revocation of the CPRs covering the Dengvaxia products” (binigyang-diin). “FDA permanently revokes Dengvaxia’s product registration,” - Manila Bulletin, Pebrero 20, 2019, pp. 1 & 10).
Ayon din kay Director General Puno sa Order ng FDA na inisyu niya noong Disyembre 21, 2018: “Respondent Sanofi failed to submit its post-approval commitment documents and post marketing authorization requirements”.
Ano ba ang requirements ng Post-Authorization Effectiveness upang masubukan ang effectiveness ng Dengvaxia? Ayon sa Response to Questions, Sanofi Pasteur 323-CYD Dengue Vaccine, Confidential Proprietary Information, p.8:
“Post-Authorization Effectiveness Studies (PAES). Potential safety events will also be recorded through Post-Authorization Effectiveness Studies (PAES). Four PAES will be conducted in Asia and Latin America to evaluate the impact of vaccination, including one in the Philippines (CYD69). These studies will assess the vaccine effectiveness in community level, as well as reducing frequency of hospitalization and severe forms of dengue disease. In addition, while not specifically designed to address safety, these studies will provide a platform to identify potential increase in disease severity and potential waning over time. Xxx” Pinag-aaralan pa ang Post-Licensure Studies. Ayon sa Response to Questions, Sanofi Pasteur 323-CYD Dengue Vaccine, Confidential Proprietary Information, p. 11:
“The Philippines is one of the key countries for post-licensure studies being one of the 4 countries where Post-Authorization Safety Study will be conducted and with one effectiveness study planned to be conducted exclusively in the Philippines. A total of 2,500 vaccinated subjects is planned to be recruited in the Philippines’s sites of DNG15 and 500 vaccinated pregnant women should be followed in the pregnant registry study across 4 countries including the Philippines (depending on feasibility aspects, mostly driven by the future national recommendations). Xxx”
Ang mga nabanggit ang nagsusumigaw na balita at impormasyon tungkol sa Dengvaxia. Sa kabilang dako, may isandaan at labingwalong (118) namatay dahil sa Dengvaxia, na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team. Ililibing na lamang ba sa limot ang mga alaala nila? Nasaan ang datos ng DOH hinggil sa bilang ng mga naturukan ng nasabing bakuna? Bakit walang inililitaw na datos hinggil dito ang mga kinauukulan? Ngunit, sa diumano’y measles outbreak, bakit mayroon silang ibinabandila? Maging patas sana tayo!


Ang paghahari ng patas na labanan ay isinusulong ng PAO sa mga biktima ng Dengvaxia. Kasama rito ang labindalawang (12) taong gulang na si Charmelyn Jumao-as, ang pang-isandaan at labingwalong (118) na-autopsy ng PAO Forensic Team, matapos hilingin ng ina nito na si Jovelyn Jumao-as sa grupo ang kanilang serbisyo.
Lumapit din siya sa PAO upang hilingin ang libreng serbisyo-legal ng aming tanggapan sa pangunguna ng inyong lingkod. Si Charmelyn ay nagpaparamdam, kami ay tumutugon sa kanya sa pamamagitan ng mahusay, tapat at may buong giting na paglilingkod sa abot ng aming makakaya bilang tagapagtaguyod ng hustisya.
Madaling-araw bago pumutok ang balita na banned na ang Dengvaxia sa Pilipinas, ayon sa FDA, nang nagising ako habang nag-iisa sa aking silid dahil may kumalabit nang dalawang beses sa aking kanang balikat. Ang sabi ko, “Naku, ano kaya ang balita sa araw na ito at may nagpaparamdam na naman”?
(Itutuloy)





Comments