top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung feeling mo, eh, naliligaw ka na ng landas, lodi, read mo ‘to, dali! 5 WAYS PARA MAABOT ANG MGA

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 22, 2019
  • 2 min read

SINO ba ang hindi napapagod? Lahat naman tayo, eh, pagod ng patunayan ang sarili natin sa mundo, ‘yung tipong kahit anong galing mo, eh, feeling mo kulang pa rin ito dahil dehins mo pa naaabot ‘yung ta­lagang goal mo sa buhay. Ga­yunman, kahit “feeling tired” ka na, beshy, eh, la­ban lang! Narito ang 5 ways para maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay:

1. MAKE THE JOURNEY FUN. Mahihirapan ka talagang abutin ang bagay kung hindi ka masaya ha­bang nasa proseso ka. ‘Ika nga nila, hindi naman porke masaya, eh, hindi mo na sineseryoso ang pag-abot dito. Fun lang, pero walang personalan! Charot!

2. CELEBRATE EVERY SUCCESS. Kung du­marating sa punto na unti-unti mo ng nakukuha ‘yung gusto mo, ipagdiwang mo ito dahil minsan, kailangan din nating i-treat ‘yung sarili natin para mas ganahan pa tayong mabuhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.

3. FOCUSED ON COMMITMENT, NOT MOTI­VATION. Ooops, na-confused kayo, noh? Yes, minsan kasi nawawalan tayo ng motivation, pero ang commitment nand’yan na ‘yan kahit gusto na nating umayaw, eh, hindi natin ito magawa dahil pinatutunayan nating mayroon tayong isang salita. Gets?

4. LET YOUR GOALS GROW UP. For sure, magsisimula kang ma­ngarap sa maliit hanggang sa lumaki na ito, sa ganitong sitwasyon, hayaan mo lang na mag-grow ‘yung goals mo. Oh, ‘di ba, hindi lang pala tayo ‘yung dapat na mag-grow kundi maging ‘yung mga pangarap natin sa buhay? He-he-he!

5. DON’T RELY ON OTHERS. Tigilan mo na ‘yang pagiging depen­dent mo, lodi! Sa totoo lang, dehins ‘yan makabubuti sa iyo, lalo na kung ‘yung taong inaasahan mo, eh, iiwanan ka na lang nang bigla-bigla. Baka hindi lang pa­ngarap mo ang gumuho kundi maging ikaw mismo. Hay, naku!

Kaya, mga beshy, sa lahat ng aspeto ng buhay, impo­sibleng hindi ka mapapagod dahil ‘ika nga nila, tao lang tayo, pero kahit na ganu’n ang ating maramdaman, pahinga lang ang kailangan natin at kapag nagkaroon na tayo ng panibagong lakas, eh, ituloy natin ang buhay laban sa mga hamon ng kapalaran. Okiee?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page